55

Jun 23, 2022 @ 21:34
By

Humagupit na hangin sa Maynila, hindi buhawi – PAGASA

Hindi umano buhawi ang malakas na hangin na humagupit sa Maynila na nag-viral ang video.

Ayon kay weather forecaster Chris Perez, isang downburst at hindi tornado ang malakas na bugso ng ulan at hangin kahapon, June 22 sa Sta. Cruz, na nakunan ng video ng netizen na si Zaldy Mangalindan.

“Base na rin sa napansin natin na wind movement ay most likely downburst or ‘yung hangin na mula sa thunderstorm clouds na tumama sa lupa,” paliwanag ni Perez sa “24 Oras” report.

“Sa loob ng ulap ay may hangin na kumikilos pataas at pababa. Nasa loob lamang ‘yun ng isang ulap ng isang thunderstorm cloud pero kapag magsisimula nang bumuhos ang ulan karaniwan nagiging dominant o nagiging mas malakas ang hangin pababa. Simula sa ulap, sa thunderstorm cloud, bababa po ito papunta sa kalupaan ng isang area at pag tumama sa lupa saka ito kikilos horizontally,” patuloy niya.

Panoorin ang viral video sa ibaba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?