135

Nov 7, 2017 @ 17:16
By

Humabol sa LRT, lalaki nakaladkad

Dahil sa pagsuway sa palaging paalala tuwing sasakay ng LRT, muntik magbuwis ng buhay ang isang lalaki matapos itong makaladkad ng isang bagon kamakalawa sa Gil Puyat Station sa Pasay City.

Sa ngayon ay ginagamot sa Adventist Medical Center ang 48-anyos na si Julieto Eco, ng Tanza, Cavite.

Base sa ulat ng Pasay City Police, alas-5:50 ng hapon nang hinabol ni Eco ang pasaradong pinto ng bagon dahil nagmamadali na ito papasok ng trabaho.

Ngunit kalahati lang sa kanyang katawan ang nakapasok at umandar pa ang tren ng ilang metro bago huminto kaya’t nakaladkad si Eco.

Ang hindi na paghabol sa papasaradong pinto ng bagon ang madalas na ipaalala sa mga pasahero para iwas disgrasya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?