2,086
Hulog ng langit: Angel Salazar nakatulong sa water crisis – mga netizen
By

Hulog ng langit: Angel Salazar nakatulong sa water crisis – mga netizen

Nakalampag ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa naging comment ng isang Facebook user na si Angel Salazar, na nagpakilalang dating empleyado ng Manila Water sa loob ng 30 taon.

Sa Twitter, nag-trending ang kanyang pangalan matapos na isiwalat ang umano’y pagsasara ng La Mesa bypass na naging dahilan ng kakulangan ng suplay sa tubig, na pinabulaanan na ng MWSS at Maynilad.

Dahil sa inilahad, nagpasimula rin ito ng hashtag na #OpenTheBypass.

Pinabulaanan naman ni MWSS administrator Patrick Ty na kilala niya si Salazar, at sinabing nakabukas ang bypass at hindi isinasara simula noong 2018.

“I don’t know where Angel Salazar get the notion
that I closed the bypass. I never ordered its closure, its always been open,”
saad ni Ty.

Ngayong araw ay nag-utos na si Pangulong Rodrigo Duterte na magpakawala ng tubig na aabot sa 150 araw ang Angat Dam para masolusyunan ang water crisis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?