39
hulk-syl
By

Hulk Hogan gugulong kay Rocky Balboa

Sharing is caring!

Tatalunin ni “Rocky Balboa” Sylvestre Stallone ang mas malaki at mas mabigat na si Hulk Hogan kung nagkaroon ng pagkakataon na magkaharap ang dalawang action star.

Ayon ito sa misis ni Stallone na si Jennifer Flavin, na sinabing mas agresibo at may puso ang kanyang mister kumpara sa dating WWF superstar.

“Sly’s got heart,” deklara ni Flavin nang matiyempuhan ng TMZ Sports sa Los Angeles airport. “I’m always gonna be on Team Sly.”

Sa edad na 71, taas na 5’10 at timbang na kulang-kulang 200 libra, nasa kondisyon pa din ang ‘Rocky Balboa’ ng Hollywood. Dagdag ni Flavin, patutulugin ni Stallone si Hulk Hogan. “For sure. Sly’s a knockout artist.”

Si Hulk Hogan, Terry Gene Bolea sa totoong buhay, mas bata sa edad na 64 at may taas na 6 foot 7, ay retired professional wrestling superstar, actor at TV personality, ay sinabing siya ang magwawagi kung nagkaengkwentro sila ni Stallone sa parisukat na lona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?