29

Sep 20, 2020 @ 18:37
By

Huling vlog ni Lloyd Cadena mapapanood na

Bago tuluyang mamaalam ay nakagawa pa ng isang vlog ang content creator na si Lloyd Cadena, na inilabas sa kanyang Youtube channel nitong Sabado.

May titulong ‘Last Vlog’, ang naturang video ay ni-record ni Lloyd noong August 27 bago ito pumanaw dahil sa COVID-19 nitong Setyembre.

Sa naturang vlog ni Kween LC, kanyang pinakita ang update sa bago sa kanilang bahay, kung saan masayang binahagi nito ang pagbabago sa kanilang TV.

Dito binuksan ni Lloyd ang bagong speaker para sa kanilang TV, na aniya’y kahit hindi kagandahan ay mahalaga para sa kanya dahil regalo pa ito mula sa kanyang tatay na nagtatrabaho abroad.

Sa ikalawang parte ng vlog ay nag-videoke din si Lloyd kasama ang mga ‘BNT’ members kung saan bumirit pa ang sikat na Youtuber ng ‘It’s All Coming Back To Me Now’ ni Celine Dion.

Sa dulo ay nagpasalamat ito sa mga loyal fan ni LC na tinatawag niyang Cadenators.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?