12

Sep 26, 2020 @ 13:20
By

Huling vlog ni Emman, mapapanood na

Nilabas na ang huling vlog na nakuhanan ni Emman Nimedez bago siya tuluyang pumanaw dahil sa leukemia.

Nitong Biyernes ay in-upload sa kanyang Youtube channel ang video na pinamagatang ‘LAST VLOG’.

Sa naturang vlog, binahagi ni Emman ang kanyang pinagdaanan matapos dumaan sa tatlong cycle ng chemotherapy matapos tamaan ng acute myeloid leukemia.

Makikita rin na masigla ang content creator habang sinasalaysay ang mga nangyari habang siya’y sumasalang sa gamutan.

“Napatay namin yung halos lahat ng cancer cells na nasa katawan ko, from 84 percent, nasa 13 percent na lang siya after nung pangalawang (cycle ng chemotherapy),” sambit ni Emman.

Binahagi din niya na sana’y may project siya para ipakita ang ‘unfiltered side’ niya na ia-upload sana sa kanyang channel.

Pumanaw si Emman noong Agosto 16 sa edad na 21-anyos dahil sa cancer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?