35

Jul 26, 2019 @ 10:36
By

Huling tiket sa F4 kinubra ng Rain or Shine

Naging bayani sa panig ng Rain or Shine si Rey Nambatac para mawalis ang Blackwater sa playoffs, 85-83, at kunin ang huling semifinals slot sa PBA Commissioner’s Cup, Huwebes ng gabi sa Araneta Coliseum.

Pinakawalan ni Nambatac ang 12 sa kanyang 21 points sa fourth para akayin ang Elasto Painters laban sa Elite.

Naging palaso sa puso ng Elasto Painters ang pinakawalang clutch shot ni Nambatac, 18.5 seconds na lang sa final period.

Makakaharap ng Rain or Shine sa F4 ang powerhouse San Miguel Beer na nakatakda sa Sabado sa kaparehong venue. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?