71

By

Huling taping ng ‘The General’s Daughter’ napuno ng iyakan

Aminado si Angel Locsin na mami-miss niya ang mga nakasama niya sa “The General’s Daughter” gaya nina Eula Valdes, Janice de Belen, Ryza Cenon at Tirso Cruz III.

Sa kanyang Instagram, binahagi pa ni Angel ang ilang eksena sa huling taping nila para sa Kapamilya teleserye na puno ng kulitan.

“Last taping day for The General’s Daughter walang iiyak lol. Imma miss these guys so much @eulavaldes @super_janice @akosijcdeberat @iamryzacenon @tirsocruziii @hazelparfan___ (insert @pauavelino na naliligo & Tito @albertmartinezph na nagpapagupit 😁) namiss namin kayo today @iamandalioloisa @iamr2alonte @pocholobarretto,” sabi ni Angel sa post.

Nag-post din si Eula ng ilang litrato.

Nitong Biyernes (October 4) ang huling araw ng pagpapalabas ng “The General’s Daughter” na unang umere noong Enero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?