10

Oct 21, 2020 @ 16:35
By

Huling tapatan nina Jordan, Kobe sinariwa

Sa Jimmy Kimmel Live kamakailan, ikinuwento ni actor John Cusack ang sagutan nina Michael Jordan at Kobe Bryant sa huling matchup ng dalawa sa court.

Nakunan ng larawan si Cusack, kasama ang ilang die-hard fans ng Lakers, sa courtside ng Staples Center. Bisita ng Los Angeles ang Washington Wizards.

Nakatawa sina Cusack at mga katabi sa kuhang ‘yun.

Sadsad sa court si Jordan, nakatingala kay Bryant.

Sa isang yugto ng laro, kinuha ni Kobe ang bola at pinalayo lahat. Alam na ang mangyayari: kukunin niya one-one-one si Jordan.

“And Kobe started to drive, Michael stepped in front, right in front of me, and he took the charge,” ani Cusack. “He went down and Kobe’s standing above him and Michael just looked up and he said, ‘Well, everybody in the f***ing building knew you weren’t going to pass.’”

Natahimik sandali, nang maisip marahil ni Kobe na naisahan siya ng veteran rival ay tumawa. Nagtawanan na sila, pati mga nasa courtside.

Kinadama ni Kobe, 24 noon, ang 42 sa kanyang 55 points sa first half ng 108-94 Lakers win. ‘Yun na rin ang huling laro sa Staples Center ni Jordan, 40 na noon at nag-retire pagkatapos ng 2002-03 season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?