37

Jul 19, 2021 @ 16:49
By

Huling SONA ni Duterte panay kasinungalingan – De Lima

Inaasahan ni Senadora Leila de Lima na puro kasinungalingan lang ang laman ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26.

“Ang tanong ng kabataan at ng sambayanan: Anyare sa pangakong 3-6 months ni Duterte?! Unlimited 3-6 months pala ang tinutukoy ng rehimeng ito. Huling SONA na ni Duterte, mag-si-six years na, ang tanging ganap lang ay patayan, mga kapalpakan, at panggigipit sa kritiko,” sabi ni De Lima.

“Malinaw na ang mga pangako ni Duterte at mga ilalatag niya sa huling SoNa—bilang lame duck—ay #PaSóNa!,” dagdag pa nito.

Sabi ni De Lima, puro paasa at pagsisinungaling lang umano ang ginawa ni Duterte kaya’t huwag nang aasahang may maganda itong sasabihin sa kanyang huling SONA.

“Sino pa ba kasing maniniwala sa tao na paulit-ulit kang pinaasa at paulit-ulit ding nagsinungaling. Biruin niyo, ilang beses na siyang nagsabi na pagod na raw siya. Paano siya mapapagod, eh wala naman siyang ginagawa? Pagod na raw at gusto nang magresign sa pagka-Pangulo. Tapos, gusto ngayong mag-VP? Malaking kalokohan ito!,” diin pa nito.

Samantala, hinikayat ni De Lima ang mga kabataan na magparehistro para makaboto sa susunod na eleksyon sa 2022.

“Hinihikayat ko kayo na magparehistro upang makaboto sa susunod na halalan. Bumoto para sa de-kalidad na edukasyon. Bumoto para sa karapatang pantao. Bumoto para sa hustisya. Bumoto para sa ating teritoryo at soberanya,” ani De Lima.

“Bumoto para sa ekonomiya. Bumoto para wakasan ang mga trolls at fake news. Bumoto para sa responsable at epektibong pagtugon sa pandemya. Hindi baril, kundi bakuna. Hindi dahas, kundi ayuda,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?