16

May 4, 2021 @ 22:10
By

Huling SONA ni Duterte limitado puwede dumalo

Posibleng limitado pa rin ang papasukin sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Ayon kay Speaker Lord Allan Jay Velasco maaaring gayahin ang ginawa noong nakaraang taon kung saan kokonti lamang ang nakasama ni Duterte sa loob ng plenary session hall ng Batasan Complex.

“Sa tingin ko po it’s going to be the same as last year, iilan lang po ang papayagan natin mag-attend sa SONA for the safety of everyone, and the President of course,” sabi ni Velasco.

Ang SONA ay isinasagawa tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo alinsunod sa 1987 Constitution.

Noong nakaraang taon ay personal na dumalo si Duterte sa Batasan Complex sa Quezon City para ilahad ang kanyang SONA bagamat pinag-usapan noon kung maaari itong gawing virtual o sa ibang lugar ito gawin at ipalabas na lamang sa session hall.

Pinili lamang ang mga maaaring pumasok sa session hall at mahigpit na ipinatupad ang health protocol.

Maging ang mga media man ay hindi pinayagan maliban sa Radio-TV Malacañang kung saan kumabit ang ibang channel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?