77

Aug 31, 2020 @ 22:12
By

Huling pagbabalita ni Ted Failon sa TV Patrol iniyakan

Sinubaybayan ng mga netizen ang huling appearance ni anchor Ted Failon sa TV Patrol nitong Lunes.

Marami ang naiyak at nawasak ang puso sa pamamaalam ni Failon at pagkilala sa kanya ng ABS-CBN sa mga ambag sa industriya ng pamamahayag sa pamamagitan ng mga lumang litrato nito.

Humakot ng maraming tweet ang hashtag na TV Patrol.

https://twitter.com/jincasambre8/status/1300409140443971584

Kamakailan nang kumpirmahin ng ABS-CBN ang pag-alis ni Failon. Balitang lilipat ito sa TV5.

Ang sunod-sunod na pagtalon ng mga Kapamilya personality sa ibang istasyon ay matapos pagkaitan ng Kamara ng prangkisa ang ABS-CBN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?