16

Jun 16, 2021 @ 11:30
By

Huling laban ng Azkals, nauwi sa tabla

Tinapos ng Philippine Azkals ang second round ng 2022 World Cup at 2023 Asia Cup qualifiers sa isang 1-1 na tabla kontra Maldives nitong Martes sa Sharjah, United Arab Emirates.

Maagang binuksan ni midfielder Angel Guirado ang scoring para sa Azkals sa 19th minute para makakuha agad ng 1-0 kalamangan.

Ngunit naging mabilis ang sagot ng Maldives at nakamit nila ang panabla sa pamamagitan ng goal ni Ali Fasir sa 25th minute.

Sinubukan ng Azkals na basagin ang tabla at nagkaroon naman sila ng magagandang tsansa sa second half sa pangunguna ni Stephan Schrock ngunit bigo na silang makaiskor.

Kaya naman sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa second round ay may 11 points na ang Azkals, at tatawid sa ikatlong round ng Asia Cup qualifiers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?