Naideposito na ng Commission on Elections (Comelec) ang ikalawa at huling batch ng source codes para sa May 13 midterm elections sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Inilagay ang source codes sa individual envelopes at naka-lock sa isang box na secured at may paper seal na pirmado ni Comelec Executive Director Jose Tolentino.
Kabilang sa idineposito ang Operating System (OS), image rebuild para sa Consolidation and Canvassing System (CCS), Transmission Router at Domain Name Server (DNS) Janitor para sa mabilis na transmission ng mga resulta. (IS)
Ang pagdeposito sa source code sa central bank ay sa ilalim ng “The Election Automation Law”.