44
ABANTE jonghyun album shinee
Jan 23, 2018 @ 13:28

Huling album ni K-Pop star Jonghyun, inilabas na

Ini-release na ang solo album ni SHINee member’s Jonghyun na nai-record nito bago siya namatay.

Mapupunta ang lahat ng kita ng album sa ina ni Jonghyun para pondohan ang isang foundation para sa mga may problema sa depresyon.

Makikita sa cover ng posthumous album nitong ‘Poet | Artist’ ang picture ni Jonghyun na nakasuot ng orange na jumper habang naiilawan ang kanyang mukha ng kulay pink.

May 11 na kanta ang album kabilang na ang “Shinin'”, “Only One You Need” (Literal Korean title “Phantom Pain”), “#Hashtag”, “Grease”, “Take the Dive”, “Sightseeing”, “Rewind”, “Just For A Day”, “I’m So Curious”, “Sentimental”, at “Before Our Spring”.

Sinasabing dumanas ng depresyon si Jonghyun at nagpakamatay matapos itong matagpuang walang buhay sa kanyang bahay sa Seoul noong Disyembre 18, 2017. (IM)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?