730

Dec 8, 2021 @ 16:15

Huli sa video! Mga Marcos Jr. supporter pinakyu ng taga-ABS-CBN

Sapul sa isang video na pinost sa TikTok ang pamamakyu ng isang ABS-CBN employee sa ilang mga taga-suporta nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Mayor Sara Duterte-Carpio ngayong Miyerkoles.

Naganap ang eksena sa gitna ng motorcade ng Marcos Jr. – Duterte tandem sa Quezon City.

Batay sa TikTok video ni @rzlgny, napadaan sa kumpulan ng mga taga-suporta nina Marcos ang isang crew cab ng nasabing network.

Dito ay makikita ang tila pakikipagtalo ng mga taga-suporta sa isang sakay ng crew cab, habang sumisigaw ang iba ng ‘bias, bias!’

Nang lumapit ang nagvi-video, makikita ang empleyado ng ABS-CBN na inilabas ang kanyang kamay sa bintana para pakyuhin ang mga taga-suporta nina Marcos.

Matapos ito, binusinahan din ng sasakyan ng network ang mga taga-suporta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?