106

Apr 12, 2021 @ 23:02
By

Huli sa video! Lola ginugulpi ng apong adik

Viral sa social media ang video kung saan makikita ang isang lalaking sinasaktan ang isang matandang babae.

Ayon sa post, kuha ang video sa Brgy. Sta. Cruz Putol sa San Pablo City, Laguna.

Isa raw adik ang lalaki at ang ginugulpi nito ay kanyang lola ngunit ayaw kasuhan ng huli ang kanyang apo.

Kaya naman nanawagan ang netizen upang matulungan ang lola.

“Guys need help. Meron kasing addict dito sa may kapit bahay namin and sinasaktan niya yung lola niya. May nag-report na sa police kaya lang hinihingan daw ng medico legal. And si lola ayaw niyang sampahan ng kaso yung apo niya. Wala ng magawa yung barangay namin. Don’t know na din if kanino lalapit. If ever you know someone na pede maka-help please. Dito po yan sa Sta Cruz Putol. Thank you,” mababasa sa post na kumalat sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?