149

May 6, 2021 @ 12:34
By

Huli sa talahiban: Construction worker arestado sa pag-rape ng 15-anyos

Kulong ang isang construction worker matapos itong mahuli sa akto ng umano’y panggagahasa sa isang 15-anyos na dalagita.

Sa report ng ’24 Oras’, nakuhanan sa video ng pulisya ng San Jose Del Monte, Bulacan ang isang lalaki na tanging brief lang ang suot habang nasa talahiban.

Kinilala ang suspek na si Junior Mahusay, construction worker, na inireklamo ng tiyahin ng dalagita dahil sa paratang na panggagahasa.

Matagal na umanong nangyayari ang umano’y rape sa 15-anyos.

Depensa naman ni Mahusay, may relasyon daw sila ng babae at gumanti lamang umano ang pamilya nito dahil tutol sa kanilang pag-iibigan.

Nahaharap sa kasong rape at child abuse si Mahusay dahil sa ginawa sa isang menor de edad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?