85

By

Huli na sa balita! Karen Davila pinuna ng netizens sa Napoles verdict

Sharing is caring!

Inulan ng mga kritisismo ang Kapamilya news anchor na si Karen Davila dahil sa kanyang naging tweet ukol sa promulgation sa kaso nina dating Senador Bong Revilla Jr., kanyang dating chief of staff na si Richard Cambe at pork barrel fund mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Nagbigay ng kuro-kuro si Davila sa pagka-acquit kay Revilla sa kasong plunder, kanyang kinuwestiyon kung ano ang magiging epekto nito sa kaso nina dating mambabatas na sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na nahaharap din sa kaso kaugnay sa PDAF scam.

Ngunit ang napansin ng mga netizen ay ang huling tanong ni Davila kung saan kanyang sinaad kung ano na umano ang magiging hatol kay Janet Lim Napoles, kung maa-acquit din ba ito.

Ngunit kasabay ng promulgation sa kaso ni Revilla ay nahatulan na ng guilty verdict si Napoles at si Cambe, na makukulong panghabambuhay matapos masentensyahan ng reclusion perpetua.

“Pano maaquit si napoles eh naconvict nga. Ayusin po ang info” saad ni @SimpleITguy.

“Magkape ka muna nang magising. NAPOLES WAS CONVICTED AND SENTENCED TO LIFE IMPRISONMENT!!!” patama naman ni @Dagr_2013.

“She was convicted. You haven’t read the news?” pakli naman ni @RamonBelinoIII.

“Kaya ka nasusunog lagi puro headline lang binabasa mo.” ayon naman kay@born_senti.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?