246

Jan 10, 2021 @ 10:52
By

Hula sa sinunog na bus, bumagsak na eroplano nagkatotoo

Nasa bungad pa lang ng 2021 ay swak agad ang hula ng isang psychic tungkol sa mga sakunang mangyayari ngayong taon.

Nakapanayam nitong Enero 2 sa programa ng Abante Radyo Tabloidista na ‘Diskusyon’ si Bro. Arman Cuban, isang kilalang psychic kung saan binahagi nito ang kanyang mga nakikitang magaganap, isa na rito ang mga aksidente sa transportasyon.

Isa sa binabala ni Cuban ay disgrasya sa mga bus at eroplano, kung saan sinabi niya na isang commercial at government airplane ang babagsak.

“Pag-ingatan natin ang mga disgrasya. ‘Yung mga trak, bus, mag-ingat dahil may madidisgrasya,” saad ni Cuban.

“Airplane may babagsak, government airplane saka commercial airplane. Dasal pa rin ang kailangan natin,” aniya pa.

Matatandaan na nitong nagdaang Linggo, Enero 3, ay nagliyab ang isang pampasaherong bus sa gitna ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sa naturang insidente, namatay ang isang konduktora at ang suspek na kinilalang si Edwin Dejos, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Samantala, isang Boeing 737-500 naman na nag-take off sa Jakarta, Indonesia nitong Sabado, Enero 9, ang bumagsak kasunod ng malakas na pag-ulan.

Aabot sa 62 katao ang lulan ng naturang eroplano, at sa ngayon ay nagpadala na ng rescue team malapit sa Laki Island para mahanap ang mga biktima ng plane crash.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?