315

Dec 30, 2017 @ 16:13
By

Hula sa piso kontra dolyar, mali

Lumakas ng P0.05 ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagsasara ng 2017.

Noong Biyernes nagsara sa P49.93 ang halaga ng $1 na mas mataas pa rin kumpara sa naitalang P49.72 sa $1 noong Disyembre 29, 2016.

Ang huling halaga ng piso kontra dolyar ngayong taon ay pagpapatunay na mali ang forecast ng merkado na magsasara sa higit sa P50 ang palitan ng dolyar sa peso.

Noong Huwebes nagsara ang palitan ng dolyar sa peso sa P49.90.

Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Nestor Espenilla Jr., ang bahagyang paglakas ng pera ng bansa ay dahil sa malakas na remittances. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?