27
cat
By

Hula ng ‘psychic’ na pusa, Russia magwawagi sa World Cup opener

Sharing is caring!

Sa mga nagtatanong kung ano’ng bansa ang mananalo sa pagbubukas ng FIFA World Cup ngayong araw sa Russia, narito ang hula ng isang pusa.

Si Achilles, na tinuturing na isang ‘psychic cat’ mula sa Hermitage museum sa St. Petersburg, Russia, ay binigyan ng dalawang plato ng pagkain para malaman kung sino ang mananalo sa unang laro ng torneo.

Sa isang plato ay may marka ng watawat ng Russia habang ang isa naman ay watawat ng bansang Saudi Arabia.

Sa una, nag-alinlangan pa ang pusa, ngunit sa bandang huli ay pinili nito ang host country na Russia.

Ayon sa mga tagapangalaga nito, bingi aniya si Achilles kaya hindi daw itong madaling maabala habang gumagawa ng kanyang hula.

Ang laro sa pagitan ng Russia at Saudi Arabia ay magsisimula ngayong Huwebes ng gabi (Biyernes ng madaling-araw sa Pilipinas) sa Moscow, Russia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?