104
gun-
By

Hukom sa CamSur, itinumba ng kapitbahay

Sharing is caring!

Patay ang isang hukom sa Bikol matapos na barilin sa Camarines Sur nitong Martes.

Ayon kay Senior Inspector Bernardo Peñera, hepe ng Presentacion Police, namatay si MCTC San Jose-Lagonoy presiding Judge Ricky Begino habang ginagamot sa ospital.

Base sa inisyal na imbestigasyon, mag-isa lamang at walang security si Begino nang pagbabarili ng kapitbahay nito na hindi pa kinikilala ng polisya.

Nagtamo ng isang tama ng bala ang biktima sa kanyang leeg.

Naitakbo pa ito sa ospital pero binawian din ng buhay ayon sa kanyang mga kamag-anak.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril at kasalukuyang tinutugis ng mga pulis.

Nakarekober ang mga imbestigador ng isang bala sa pinangyarihan ng krimen at nakatakda nilang ipasuri sa crime laboratory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?