12

Sep 28, 2020 @ 14:18

Hukom sa Bulacan dedo sa COVID

Patay dahil sa COVID-19 ang isang hukom sa Malolos, Bulacan.

Samantala, nagpositibo naman sa coronavirus ang 5 kawani ng parehong korte.

Napaulat na ayon sa City of Malolos Health office ngayong Lunes, pumanaw si Judge Mario Capellan ng City of Malolos Trial Court Branch 1 noong Setyembre 17.

Ang dahilan umano ng pagkamatay ay mga impeksiyon sekundaryo sa diabetes.

Nakatira ang 64-anyos na hukom sa Quezon City at nagsimulang mahirapan sa paghinga noong Setyembre 2. Kalaunan ay na-confine siya sa isang ospital sa Metro Manila.

Samantala, ang mga COVID-19-positive na kawani ng parehong court branch ay natapos na ang kanilang quarantine at naghihintay na lang ng clearance para makabalik sa trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,