75

By

Hugpong senatorial slates ikinampanya ni Arroyo sa Pampanga

Sinuportahan ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa unang sultada ng kampanya ng HNP sa San Fernando, Pampanga nitong Pebrero 12, “niligawan” ni Arroyo ang mga kababayan niya para iboto sa darating na halalan ang mga kandidato ng Hugpong.

Kasama ni Arroyo sa stage sina Mayor Sara at mga pambato sa Senado ng HNP.

Isa-isa niyang pinakilala ang mga senatoriable na may kasamang papuri gaya ni Jinggoy Estrada na tinawag niyang “anak ng minahal niyong si Erap Estrada”.

“Ang ating idol” naman ang bansag niya kay Ramon “Bong” Revilla Jr., habang “napakagaling na senador” si Taguig Representative Pia Cayetano.

Pinasalamatan naman ni Mayor Sara si Arroyo sa presensiya nito at pagsuporta sa Hugpong candidates.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?