21

Mar 5, 2021 @ 18:35
By

Hugpong ng Pagbabago solid kay Sara Duterte

Anuman ang maging desisyon ni Davao City Mayor Sara Duterte sa politikal na aspeto ay buo ang suporta rito ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

“Kami po mga officers niya, member ng HNP we will support whatever she decides. If she decides to run for President or remain as Mayor, we will support her. The final decision is hers,” hayag ni HNP Secretary-General, Davao Del Norte Gov. Anthony del Rosario sa Inquirer report.

Itinatag ang HNP noong 2019 kung saan si Mayor Duterte ang chairperson.

Pero sakali aniyang tumakbo sa presidential race sa 2022 si Mayor Duterte ay nangangahulugan ito ng pagpapatuloy.

“Mayor Sara is a strong and determined leader. She listens. And she’s known for always doing the right thing,” dagdag ni Del Rosario.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?