506
HUGPONG-NG-PAGBABAGO
May 14, 2019 @ 4:59

Hugpong dominante! Otso Diretso zero sa Magic 12

Walang nakapasok na pambato ng opposition coalition na Otso Diretso sa partial and unofficial senatorial tally ng Commission on Elections.

Sa nasabing listahan, siyam sa top 12 ay mula sa Hugpong ng Pagbabago, tanging sina Grace Poe, Nancy Binay at Lito Lapid lamang ang hindi parte ng administration slate.

Si Bam Aquino na ang pinakamalapit sa 14 pwesto, may 13,535,371 na boto sa 92.61 election returns.

Kung titingnan, lumalabo na ang pag-asa ng Otso Diretso makalusot maski isa sa natitirang 19 milyon pang boto.

Nanguna pa rin si Cynthia Villar na may 24,082,934 votes, may 21,078,911 si Poe habang nakakuha naman ng 19,480,785 votes si dating presidential top aide na si Bong Go.

Kukumpleto sa dose sina Pia Cayetano, Bato dela Rosa, Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, Nancy Binay at Bong Revilla. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?