77

By

‘Hugot’ ng ‘Pinas sa human rights, tumimbang sa UN

Sharing is caring!

Sinabi ni outgoing Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na ang pagkakahalal ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council ay patunay lang na mali ang mga pagdududa sa isyu ng pagrespeto sa karapatang-pantao sa bansa.

Reaksyon na rin ito ni Cayetano sa pagkontra ng mga aktibista sa Europe at North America sa pagkakapili sa Pilipinas sa katuwiran na pangit ang human rights records sa bansa.

Nakakuha ang Pilipinas ng boto sa pagitan ng 160 hanggang 170 boto.

Pagdidiin ni Cayetano kumbinsido ang marami sa mga bansa na inirerespeto ang karapatang-pantao sa Pilipinas.

“Our election to another term in the Human Rights Council would not have been possible without the support of other UN member-states who clearly understood where we are coming from,” sabi pa ni Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?