367

By

‘Hugot lines’ ni Duterte, bumenta – Angara

Marami umano ang natuwa sa mga ‘hugot lines’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati sa State of the Nation Address (SONA).

“Okay naman yung mga hugot lines ng Presidente lalu na ang tungkol sa corruption. Tulad niya, frustrated na din tayo sa patuloy na corruption sa gobyerno,” pahayag kahapon ni Senador Sonny Angara.

“Nagpapasalamat tayo na binanggit ni Pangulong Duterte ang pagtaas sa sweldo ng ating mga guro. Ito ay ating isinusulong dahil matagal na nila itong hinihintay,” dagdag nito.

Ayon pa kay Angara, kung sa mga nagdaang SONA aniya ng pangulo ay puro ‘P’, ngayon ay ibang naman ang sinabi nito.

“His speech is notable for the fact that it is less peppered with the colorful words that he often uses. Kung noon tadtad ng ‘P,’ngayon ibang ‘P’ na ang pinagtuunanan nya– the Ps that matter: Progress, Peace and Prosperity,” ani Angara.

Hindi naman umano masisisi si Duterte kung may nakaligtaan ito sa kanyang SONA dahil kulang ang kanyang oras para mailahad ito sa publiko.

“Hindi naman isang linggong pabasa ang SONA. What is important is that he talked about the things many of our people want to hear from him. It is a well-curated address,” sabi ni Angara.

“What is the best SONA reaction? We should react with deeds. It should be back to work for all of us,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?