319

Dec 20, 2017 @ 16:24
By

Hugot cookbook ni Pokwang wagi sa Gourmand World Cookbook Awards

Level up na rin si Pokwang sa pagiging isang ‘kusinera’, huh? Ka-level na niya ang mas kilalang celebrity chef na si Judy Ann Santos dahil ang libro ni Pokie ay national winner at ilalaban pa internationally huh! Grabe!

Trulili dahil sa post nga ni Pokie sa kanyang IG ay hindi talaga maibsan ang kanyang katuwaan sa balitang na-win niya ang kanyang ‘hugot’ cookbook na Patikim, Pokie.

Ito ay nanalo sa national level bilang isa sa best cook books ayon sa prestigious na Gourmand World Cookbook Awards na kung saan ilalaban ito internationally next year.

Sino nga naman ang hindi matutuwa, noh? Hindi nga namin alam kung nag-aral talaga ng culinary si Pokie pero ang alam namin ay magaling itong magluto ng mga pagkaing bahay lalo na ang kanyang ginataang laing na bongga nga raw ayon sa mga nakatikim na nito.

Kaya nga, kapag nanalo siya sa international competition, aba, aba, kapantay na niya ang aktres na si Juday na talagang isang certified chef.

Kung natatandaan, last year ay big winner din ang kauna-unahang cookbook ni Juday na Judy Ann’s Kitchen sa parehong award-giving body bilang pangatlo sa category na Best Authors and Chefs Outside of Europe Category.

Katulad ni Juday, hindi rin inaasahan ni Pokie ang pagkakapanalo niya na sana nga raw ay tumutuloy-tuloy hanggang sa abroad.

O, ‘di ba? Talbog!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?