21

Feb 15, 2020 @ 14:48
By

Hudson, iba pang bigating artist magpe-perform sa All-Star weekend

Dadayo sa All-Star Game sa Chicago si Jennifer Hudson para gamitin ang boses sa pagbibigay ng tribute kay Kobe Bryant.

Headline ang two-time Grammy winner at Oscar winner na si Hudson sa listahan ng entertainers na pinili ng NBA para mag-perform sa All-Star weekend.

Bago ang player introductions sa Game sa Linggo (Lunes sa Manila), magbibigay ng special tribute si Hudson para kay Kobe, anak niyang si Gianna, 13, at pitong iba pa na namatay sa helicopter crash sa Calabasas, California noong Jan. 26.

Ang iba pang additions: DJ Khaled, Quavo at Lil Wayne na makakasama ni Grammy winner at Chicago native Chance the Rapper sa halftime show.

Makakasama ni Queen Latifah ang Chicago youth na kakanta ng ‘Love in Need of Love Today’ ni Stevie Wonder sa Saturday events. Biyernes ng gabi, ang Chicago Children’s Choir ang kakantay ng Star Spangled Banner sa Rising Stars game.

Bagama’t mas malamang na hindi makalaro, inaasahang magpe-perform pa rin ng rap si Damian Lillard.

Lalaro sana ang Portland guard sa All-Star Game at kasali sa 3-point contest ng Sabado pero inabot ng groin injury sa huling laro ng Trail Blazers.

Sikat na rapper si Lillard, nagpe-perform gamit ang pangalang Dame D.O.L.L.A. Sakaling matuloy sa performance, kasama niya sina Jeremih at Lil Wayne.

Nakilala sa mundo ng rap si Lillard via Instagram at Soundcloud. May tatlong albums na siya ngayon at lumalaking fan base.

Ang iba pang All-Star weekend performers na unang inihayag ay sina Chicago native Common, kapatid ni Chance na si Taylor Bennett, Chaka Khan (kakanta ng US national anthem bago ang All-Star Game) at country star Tenille Arts (kakanta ng Canadian national anthem).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?