18

By

Hudikatura winarningan vs fixer na ginagamit si Duterte

Sharing is caring!

Binalaan ng Malacañang ang publiko at maging ang hudikatura na mag-ingat sa fixer na gumagamit sa pangalan ng dating manugang at apo ni Pangulong Rodrigo Duterte para umayos ng mga kaso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang awtoridad ang fixer dahil hindi naman siya kaano-ano ng Pangulo.

Partikular na pinag-iingat ng Pangulo ay judges at justices dahil sa impormasyon na ginagamit umano nito ang pangalan ng apo ng Presidente.

“We’d like to warning the public including judges and justices, meron pong umiikot, ito naman po ay asawa ng isang ex-wife ng anak ng ating Presidente. Ginagamit po ang pangalan ng apo ng Presidente para sa pagpi-fix ng mga kaso.

“Sa mga mahistrado, judges and justices, huwag n’yo pong entertainin itong fixer na ito. Hindi po talaga kamag-anak ‘yan ng Presidente. Wala pong awtoridad ‘yan na gamitin ang pangalan ng Presidente at apo ng Presidente. Ang balita po ay nagpi-fixer ‘yan sa hudikatura,” ani Roque.

Hindi man direktang pinangalanan ni Roque ang sinasabing fixer ay kilala na aniya ito dahil iisa lang naman ang anak ng Pangulo na mayroong dating asawa at apo.

Sinabi ni Roque na huwag aniyang subukan ang pasensiya ni Pangulong Duterte dahil alam na nito ang gawain ng fixer kaya’t malinaw ang mensahe na tigilan na ang pagiging fixer nito.

“Siguro nakarating na ang mensahe sa kanya. Alam po ng Presidente ang gawain ninyo, hindi po ‘yan kinukunsinti at huwag na pong subukan ang pasensiya ng Presidente,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?