152

Dec 14, 2017 @ 15:54
By

Hudikatura, walang pasok sa Dec. 26 at Jan. 2

Walang pasok sa mga hukuman sa Disyembre 26, 2017 at Enero 2, 2018.

Ito ang inanunsiyo ng Supreme Court Public Information Office salig sa abisong inilabas ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang abiso ay alinsunod na rin sa Proclamation Numbers 50 series of 16 at 269 series of 2017 na nagdedeklara sa Disyembre 25, 2017, Araw ng Pasko at Enero 1, 2018, Bagong Taon bilang regular holidays.

Layunin din umano ng nasabing suspensiyon sa trabaho na mabigyan ng pagkakataon ang mga opisyal at empleyado ng hudikatura na makapagdiwang ng Kapaskuhan kasama ang kanilang mga pamilya.

“In view of Proclamation Nos. 50 (s. 2016) and 269 (s. 2017) declaring December 25, 2017 (Christmas Day) and Janary 1, 2018 (New Year’s Day) as regular holiday and to allow officials and employees of the judiciary adequate opportunity to celebrate the holidays with their families, the Chief Justice has authorized the suspension of work in all courts nationwide on December 26, 2017 (Tuesday) and January 2, 2018 (Tuesday),” ang nakasaad sa anunsyo ng Korte Suprema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?