35

Oct 20, 2021 @ 16:21
By

Hubby ng nawawalang Fil-Am itinurong suspek, dinakip

Dinakip ng mga awtoridad sa US ngayong Miyerkoles (oras sa Pilipinas) ang asawa ng pinatay at nawawalang Fil-Am na itinuturong pangunahing suspek sa naturang krimen.

Kinilala ang itinuturong suspek na si Larry Millete, asawa ng biktimang si May Millete na isang Filipino-American.

Noong Enero pa naiulat na nawawala si May at hanggang ngayo’y di pa matukoy kung nasaan ang katawan nito.

Ayon sa Chula Vista Police sa San Diego, California, nagsagawa sila ng 67 search warrant at 87 interview mabigyan lamang ng linaw kung ano ang nangyari kay May.

“These efforts ultimately generated for variety pieces of evidence that we come clear and overwhelming that Larry Millete, May’s husband, is responsible for May’s murder and disappearance,” pahayag ni Police Chief Roxana Kennedy.

“The primary goal was to bring May home to her family or bring justice to the persons responsible for her disappearance,” dagdag pa ni Kennedy.

Nasa kustodiya na rin ng mga awtoridad ang tatlong anak ng biktima at ng itinuturong suspek.

Patuloy nilang pagugulungin ang imbestigasyon para matagpuan din ang katawan ni May.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,