203
laptop-computer-watching
By

Hubad na larawan, panakot sa babaeng nakikipag-break

Sharing is caring!

“Nude photos ko ilabas daw sa FB kapag hindi nakipagbalikan sa kanya,” ito ang inirereklamo ng isang babae matapos na takutin siya ng kanyang dating ka-live in partner na ilalabas daw sa social media, lalo na sa Facebook ang kanyang mga hubad na larawan.

Kaya naman agad na nagsagawa ng pag-aresto ang San Juan City Police para mahuli ang suspek na si Aaron Louise Arana, 24-anyos, residente ng 37 Valenzuela St., Barangay Batis, San Juan City at nahuli si Arana sa kanyang bahay bandang alas-sais, Huwebes ng gabi.

Batay sa nakalap na report mula sa kay Eastern Police District (EPD) Director, Chief Supt. Bernabe Balba na ipinadala ni San Juan Police Chief, PS/Supt. Dindo Reyes, nahuli si Arana sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) Branch 5-FC Judge Joanne Hernandez-Lazo para sa paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act under Criminal Case No R-MND-18-02197 na naganap noong October 1, 2018.

Naganap ang pangyayari noong Oktubre 1 nang magsampa ng kasong pang-aabuso o emotional and verbal abuse ang 22-anyos na biktimang itinatago sa pangalang ‘Rosa’.

Ayon pa sa biktima, umabot ng mahigit isang taon ang kanilang relasyon at nagpasya na itong tapusin dahil hindi na niya umano makayanan ang ginagawang pang-aabuso ng ng suspek sa kanya.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagpapalayas sa suspek ay bina-black mail umano siya na ilalabas daw ang kanyang mga hubad na larawan kapag hindi ito nakipagbalikan sa kanya.

Nabatid na nagpadala na rin ng nude photos ang suspek sa ilang kaanak nito at nananakot sa kanila.

May access din ang suspek sa FB account ng biktima kaya nakakapagpadala ito ng larawan sa ilang kaibigan.

Naikulong naman ang suspek subalit nakapagpiyansa ng P72,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?