598

Sep 27, 2020 @ 18:37
By

Hubad na bebot sa viral video, nilantad ni Cesar Montano

Kusa nga bang binuking ni Cesar Montano ang pagkakakilanlan ng babae na nakita sa kanyang viral video na nakahubo noong 2018?

Sa pagbati ni Cesar sa kaarawan ni showbiz columnist Dolly Anne Carvajal, isang bebot ang nakita muli sa background habang bumabati si Cesar, ngunit ngayon ay may damit na ito.

Lumapit sa camera ang babae at nakita ang maganda nitong mukha, habang binalikan naman ni Cesar ang naturang viral video.

“BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?” ayon kay Cesar na pinapatungkulan ang bebot na nakasuot ng white t-shirt.

Nagsalita naman ang babae at binati din si Dolly Anne.

“Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!” sey nito.

“Next time, yung isa kong talent, available na. ‘Yon talaga, daring ‘yon. Next time na lang ‘yon,” biro naman ni Cesar.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10158463067632334&id=605297333

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?