33

Sep 7, 2021 @ 22:51
By

Hubad face shield sa ‘Pinas inawat ng WHO

Pinayuhan ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas na huwag munang alisin ang mandatory face shield policy dahil sa pagsirit ng coronavirus case.

Sa panayam sa The Source, ipinunto ni WHO representative Rabindra Abeyasinghe ang panibagong record-high na 22,415 bagong kaso sa bansa noong Lunes.

Ito rin aniya ang ikaapat sunod na araw na mahigit 20,000 bagong COVID case ang naitala sa bansa.

“So we shouldn’t change that position now when the country is experiencing the highest number of cases,” ani Abeyasinghe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?