35

Jul 16, 2021 @ 16:30
By

Hubad face mask sa Pasko, malabo pa – Duque

Huwag munang umasa ang mga Pinoy na mahuhubad na ang face mask sa pampublikong lugar sa lalong madaling panahon.

Ito’y dahil sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na posibleng tumagal pa hanggang 2022 ang pagbabakuna ng bansa kontra COVID-19.

Ayon sa kalihim, made-delay ang pagtatanggal ng mandatory face mask na target sanang mangyari sa Disyembre ngayong taon.

“‘Wag muna nating asahan ‘yan kasi mafu-frustrate lang tayo na umaasa tayo, pinaaasa natin ang taumbayan eh hindi naman natin kontrolado ang supply,” paliwanag ni Duque sa panayam ng DZBB.

Sa ngayon ay nasa 4.2 milyong Pilipino pa lang ang nakakakumpleto ng bakuna, lampas 10 milyon naman ang naturukan ng first dose.

Target ng gobyerno na makapagbakuna ng 70 milyong Pinoy para makamit ang herd immunity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?