87

Apr 4, 2018 @ 19:16
By

HS students magtatagisan para sa 8th ASEAN Quiz competition

Nagtungo sa Quezon City ang 15 matatalinong estudyante ng high school mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa gaganaping 8th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Quiz National Level Competition.

Kasama ng kanilang coaches, ang nasabing bilang ng mga mag-aaral ay siyang mga nanalo sa naunang regional level competition ng ASEAN Quiz.

Nakatakda ang paghaharap sa Abril 6 sa Studio B ng People’s Television Network 4 (PTV4) sa Visayas Avenue, Diliman, Quezon City.

Ang state-run TV network ang siyang magho-host ng kompetisyon sa pakikipagtulungan sa Department of Education, Department of Foreign Affairs, Presidential Communication Operations Office, Philippine Information Agency, at Philippine Broadcasting Service.

Tatlo ang magwawagi sa kompetisyon na makakatanggap ng tropeo at premyong pera.

Makakapag-uwi ng P20,000 ang kampeon; P15,000 sa first runner-up habang P10,000 sa second runner-up.

Ani PTV General Manager Dino Antonio Apolonio, ang tatlong mananalo ang kakatawan sa Pilipinas sa 8th ASEAN Quiz na gaganapin sa Bali, Indonesia sa Agosto ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?