17

HS student sa Baguio, sasabak sa int’l quiz bee sa Indonesia

Sharing is caring!

Isang Grade 10 student mula sa Baguio City ang nanguna sa katatapos na 8th National ASEAN Quiz Bee na inorganisa ng Presidential Communications Operations Office, Department of Foreign Affairs, at Department of Education sa Quezon City noong Abril 3-6.

Naghahanda na ang 16-anyos na si Jericho Villarico, ng Baguio City National High School, para katawanin ang Pilipinas sa international level ng quiz bee na gaganapin sa Bali, Indonesia ngayong taon.

Ayon kay Villarico, ang ASEAN Quiz Bee na ang isa sa maikokonsidera niyang pinakamalaking kompetisyon na kanyang nalahukan.

Parte ng kanyang napanalunan ang P20,000 cash; tropeo, at college scholarship mula sa Gardner College sa Quezon City. (PNA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?