261
Estudyante arestado sa bitbit na marijuana sa LRT
Jul 6, 2019 @ 18:19
By

HS student nahulihan ng marijuana sa sapatos

Nabuking ang itinagong isang sachet ng dried marijuana leaves ng 19-anyos na estudyante sa kanyang sapatos habang nasa loob ng paaralan sa Barangay Molino I, Bacoor City.

Itinurn-over ang estudyante ng security guard na si Roilan Sevilla Norcio sa pulisya matapos mahuli sa Bacoor National High School alas-9:30 ng umaga noong Biyernes.

Hindi muna inilabas ang pagkakakilanlan ng suspek habang ongoing pa imbestigasyon pero nasa kustodiya na ito ng pulisya.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, Section 11 o drug possession.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?