191

By

HR manager pinag-almusal ng bala, patay

Sharing is caring!

Isang manager ng steel company ang patay matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Sa ulat ni Caloocan police deputy chief for administration Supt. Ferdinand del Rosario, kinilala ang biktimang si Jayson Cuadrasal, 31-anyos, manager ng Human Resources ng Goodyear Steel Corp., sa Quezon City.

Alas-6:30 ng umaga nang lumabas sa kanilang bahay ang biktima upang bumili ng almusal nang sundan siya ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan na naghihintay na umanong lumabas siya ng bahay.

Ilang hakbang bago ang tindahan, bumunot ng baril ang mga salarin at salitang pinaputukan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Tumakas ang mga suspek patungo sa hindi batid na direksiyon matapos ang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?