56

Jul 6, 2019 @ 10:32
By

Howard tinapon sa Memphis

Limang season, limang koponan na ang pinaglilipatan ng dating star caliber center na si Dwight Howard.

Lipat sa Memphis Grizzlies si ‘Superman’, magiging kapalit niya sa Washington si CJ Miles, ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Pagdating sa Grizzlies, posibleng i-trade din ito o i-waive para makawala sa kontratang $10.9M sa dalawang taon.

Samantala inaasahan naman na mananatili si Miles sa Wizards na makakatulong ma-improve ang shooting ng koponan.

Sa Wizards, nag-average si Howard ng disenteng 12.8 points at 9.2 rebounds, ngunit napatid ang laro dahil sa operasyon sa spine noong nagdaang Nobyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?