14

Sep 27, 2020 @ 22:36
By

Howard sumusunod na kay LeBron sa butataan

Noong 2008-09 season, dinala ni Dwight Howard ang Orlando sa NBA Finals.

Labing-isang taon ang nakalipas, nasa Finals sa Orlando si Howard.

Sumabit ang 6-foot-10 big man sa Los Angeles na babalik sa Finals makalipas ang isang dekada.

Kinalos ng Lakers ang Denver Nuggets sa limang laro, huli ang 117-107 victory nitong Sabado.

Sa ikalawang sunod na laro ay starting center si Howard, nagsumite ng 9 points at 9 rebounds at isang malakas na balya kay Paul Millsap sa third quarter.

Pagbitaw ng jumper ni Nuggets big man Nikola Jokic, nag-slide si Howard sa ilalim ng basket pero pagpihit ay malakas na binigyan ng kaliwang siko si Millsap.

Talsik, sadsad ang Denver forward.

Pagtayo ni Millsap, tinulak si Howard na napaatras. Pumagitna ang referees at teammates ng dalawa bago magkagulo.

Sa kanyang unang NBA Finals appearance noong ‘09, hindi nakaporma si Howard kina Kobe Bryant at Pau Gasol. Tinalo ng Lakers ang Magic sa limang laro.

Ayon sa NBA, pagkatapos ng block sa Game 5 ay umangat si Howard sa 13th all-time ng blocks list sa NBA playoffs.

May naipon nang 240 si Howard, nasa likod ng teammate niyang si LeBron James (247). No. 1 si Tim Duncan na naglista ng 568 swats sa dalawang dekada niya sa San Antonio.

Sa series-clincher, sumakay ang Lakers sa triple-double na 38 points, 16 rebounds at 10 assists ni LeBron. Kuwestiyonable si Anthony Davis bago ang Game 5 dahl sa sprained ankle pero naglaro at tumapos ng 27 points, 5 rebounds at 3 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?