12

Sep 23, 2020 @ 21:56
By

Howard magalinglang mambuska

Hindi na nakakatawa si Dwight Howard sa Denver fans.

Maingay ang bibig ng big man na sinalo ng Lakers mula sa palubog nang career.

Tapos na ang laro, kinumpleto na ni Anthony Davis ang game-winning 3 na nagbigay sa Los Angeles ng 2-0 lead sa West finals pero maingay pa rin si Howard.

Alaga niyang pinaliguan ng trash talk, si Nuggets big man Nikola Jokic.

Nasa bench sina Howard at JaVale McGee, pinagtulungang alaskahin si Jokic sa Game 2 nang makitang itinapat ang Serbian kay Davis.

Mula kay Chris Haynes ng Yahoo Sports:

“Thanksgiving, steak dinner, appetizers, fielt mignon and potatos, glass of champagne!” sigaw nina Howard at McGee.

Pagpipiyestahan lang ni Davis si Jokic.

Hindi natapos si Howard kahit nang maibaon na ni Davis ang winner.

“Go home!” paulit-ulit raw niyang sigaw, humahalakhak, nagtatalon at bumubomba ang mga kamao.

Sa Game 3 kahapon, may sundot na naman si Howard.

“Batman coming for you, the Joker,” anuya habang nasa bench, ayon kay Dan Woike ng Los Angeles Times.

Siguro naman, natahimik si Howard nang kubrahin ng Nuggets ang 114-106 win para ilapit ang serye sa 2-1.

Nakakapang-alaska si Howard dahil mainam na team ang napuntahan. Pero wala naman siyang napapatunayan, kahit noong kapanahunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?