90

Jun 21, 2018 @ 11:25
By

Howard iti-trade sa Nets kapalit ni Mozgov

Pumayag umano ang Charlotte Hornets na i-trade si eight-time All-Star center Dwight Howard sa Brooklyn Nets kapalit ni center Timofey Mozgov at ang dalawang second-round draft picks nito.

Makukuha ng Hornets ang second-round pick sa Huwebes ng gabi (Biyernes sa Pinas) habang ang second-round pick sa 2021.

Ayon sa source ng AP, hindi pa naaanunsiyo ang trade dahil hindi pa ito maaaprubahan ng liga hangga’t hindi pa natatapos ang trade moratorium sa Hulyo 6.

Isang season lang naglaro sa Charlotte ang 32-anyos na si Howard kung saan nag-a-average siya ng 16.6 points at 12.5 rebounds kada laro.

Sakaling mailipat ng Brooklyn, ito na ang ika-apat na koponan ni Howard.

Nagpa-trade na siya noon mula sa Orlando patungo sa Nets sa asam na makasama si Deron Williams noong 2011-12 season.

Nagbago ang isip niya at bumalik ng Magic, pero ipinamigay siya ng koponan sa Lakers.

Matapos naman ang tatlong seasons niya sa Houston Rockets, kinuha si Howard ng Atlanta Hawks noong 2016 bilang free agent at pumirma rito ng tatlong taon na kontrata pero isang season lang siya nagtagal dito at nailipat din sa Charlotte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?