65
Nasaan na si Dwight Howard?
Aug 19, 2019 @ 19:03
By

Howard babalik sa Lakers?

Wala man si DeMarcus Cousins para sa Los Angeles Lakers sa darating na NBA 2019-2020 season ay bukas naman si Dwight Howard upang saluhin ang trabaho nito.

Ayon sa report ni Shams Charania ng The Athletics, pinayagan ng Memphis Grizzlies na kausapin ng Lakers ang 6’11 center na inaasahang papakawalan rin ng Grizzlies.

Matatandaan rin na nagbigay ng pahiwatig si Howard na manumbalik sa Lakers ngunit hindi lang natuonan ng pansin.

“I want to be whatever a team needs me to be,” wika ni Dwight. “I’ve played in every situation so far. I used to really hate how Draymond [Green] plays, but what I noticed watching him during these playoffs was that he does everything for the team.

Kung sakali man na matuloy ang nilulutong trade o paglipat ni Dwight ay magiging sakto ito para sa Lakers dahil siya ang ilalagay sa posisyon ng center dahil ayaw kunin ni Anthony Davis ang posisyong nasabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?