45

Jul 2, 2020 @ 18:57
By

‘How You Like That’ version ni AC Bonifacio, trending sa YouTube

Mainit sa YouTube ang dance cover ni AC Bonifacio ng “How You Like That” ng Blackpink.

Sa music video, mapapanood na gayang-gaya ni Bonifacio ang music video ng K-pop group.

Wala pang isang araw ay naabot na nito ang 1 million views at naging top trends sa YouTube at Twitter.

Si Andree Camille Bonifacio ay isang Filipino dancer at singer.

Ang “How You Like That” ay first single ng Blackpink matapos ang mahigit isang taong pananahimik.

Tinanghal itong “most viewed video in 24 hours” sa YT dahil sa nahakot na 86.3 million views.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?