70

Dec 16, 2017 @ 17:56
By

HOV lane sa EDSA, tigil muna — MMDA

Itinigil na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng high occupancy vehicle (HOV) lane sa kahabaan ng EDSA.

Inamin ni Celine Pialago, ang tagapagsalita ng MMDA, na hindi nila nahanapan ng solusyon ang isyu ukol sa mga heavily-tinted vehicles maging sa paggamit ng kanilang high-definition CCTV cameras.

Kaya’t aniya wala ring saysay ang monitoring nila sa mga motoristang gumagamit ng HOV lane.

Binanggit din ni Pialago, hindi lahat ng motorista ay alam ang konsepto ng panibagong dedicated lane sa kahabaan ng EDSA.

Aniya, hanggang wala pa silang naiisip na paraan para mas maging epektibo na maging pangbawas ng pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan sa EDSA, wala munang HOV lane.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?