36

Nov 2, 2017 @ 19:18

Houston Astros World Series champion na!

Hindi na puwedeng tawaging laughingstock ang Houston Astros.

Ito’y matapos na kunin ang 2017 Word Series championship sa kanilang franchise history nang talunin sa Game 7 ang paboritong Los Angeles Dodgers kanina.

Matapos padapain ng Harricane Harvey, nakuha ng Astros ang kampeonato na hindi pa nila nalalasap mula nang sumali sila sa liga noong 1962 bilang Colt .45s.

“I always believed that we could make it,” sabi ng All-Star slugger Jose Altuve. “We did this for them.”

Sa first two inning pa lang ay nakuha na ng 5 runs ang Houston mula sa pitcher ng LA na si Yu Darvish.

Ang Houston, tatlong beses na nagtala ng 100 loses nitong nagdaang mga taon, ang nagpatahimik sa Dodger Stadium na umaasa ring makukuha ang unang kampeonato sapul noong 1998.

Si Altuve ang nakakuha ng grounder para sa final out ng serye at maitala ang Houton Astros bilang bagong world champion.

Walang nagawa si Clayton Kershaw at mga kasama niya sa koponan kundi panoorin na lamang ang celebration ng Astros.

Una ang LA sa mayors sa kanilang 104 wins at $240 million payroll, at kailangang humabol sa panalo sa Game 6 para mapuwersa ang Game 7, subalit kapos pa rin ang mga ito para makuha ang World Series Championship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?